"Pagsisikap sa Pag-aaral"
Sa panahon ngayon bilang isang mag-aaral nais mo man magkaroon ng matagal na tulog ngunit ang iyong konsensya ay patuloy na magsasabi na dapat mo muna ang mga gawain na ibinigay sa iyo ng inyong guro, ang mag-aral at maging handa sa eksamen at gumawa ng takdang aralin sa tamang oras. Ito ang gampanin ng bawat isang mag-aaral at maging ang matuto. Ito ang nais ipahayag ng sanaysay na "Mag-aral ay hindi biro".
Sa antas ng wika na ginamit ay mayroon itong pormal o pampanitikan dahil sa naglalaman ito ng matatalinghagang salita na ginagamit sa mga akda. Sa tungkulin ng wika ginamit ay nagtataglay ito ng personal at impormatibo. Dahil sa nagbibigay ito ng saloobin at ng mga impormasyon patungkol sa buhay ng isang mag-aaral. Pagdating naman sa barayti na meron ito ay Sosyolek dahil sa ito`y nababatay sa katayuan ng bawat isa sa lipunan.
Muli ang nais ko lamang ipahayag na ang pag-aaral ay hindi isang biro na dapat pabayaan dahil ito ay isang magandang paglalakbay na may mabuting dulot sa ating kinabukasan, Kung anuman tayo o naging tayo sa mga oras na ito ay isang resulta ng ating pagsisikap upang matapos ang ating pag-aaral. Pagbabalik tanaw sa nakaraan at kasalukuyan bilang isang mag-aaral.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento